Wednesday, July 13, 2011

To the E, To the D, To the F-A-T!

A good snapshot stops a moment from running away.
~Eudora Welty

Okay! So, down to our first assignment in photography, do the EDFAT thing girl!
Entire, Detail, Frame, Angle, and Time.

I've been thinking of what subject or setting would be perfect for this.
Nature? Parang hindi masyado. Common na yun eh.
A person? Parang boring, dead ang dating.
Eh kung busy street kaya? Hmn, pwede diba? Let's give it a try.

So, habang binabaybay namin ng aking sisteret ang mga kalye mula Pureza, hanggang kung saang parte man kami ng Maynila makarating, doon ko napagtanto na..
sa araw araw na pagkuha ng litrato ng mga tao, nakahiga man o nagpipicture sa salamin, gravity shot man ito o mas kilala bilang "jejemon shot," men, when you get to the real thing, hindi pala 'to ganung kadali o kasimple. You have to open your eyes widely, dahil sa mga bagay na nakikita mong panget noon, o hindi mo napapansin, may madidiscover ka pa lang maganda na pwede mong i-capture. Matatagpuan mo rin sa sarili mo na, mas nakakakita ka na ngayon, hindi ka na bulag sa ibang bagay. Ayos!

Okay, mahirap siya huh! Sa pagkuha ng ENTIRE, isipin mo yung kabuuan ng subject mo, o yung setting mismo, anong lawak ng kukuhaan mo, basta yung entirity! At dito ako nauwi.



















'Yan ay sa crossing sa Mendiola. Ang mga motoristang 'yan ay nanggaling sa kahabaan ng Recto papuntang Sta. Mesa. Where do you think I was while shooting this one? HAHA.



Pagdating sa DETAIL, you must emphasize the subject, yung tipong pagtingin mo, sila lang talaga makakakuha sa atensiyon mo, dapat walang epal. 


















Ayan sila kuya manong, antaray oh, ano kayang pinagchichikahan nila? Kitam, date dinadaan daanan lang naten ang mga ganyan, pero ngayon, ginagawa ng model. Hahaha. Ang maganda kasi dyan, parang may sinasabi ang litrato. There is joy in reading newspaper! Haha. But yeah, it's good to read newspaper. So, nasa kanila ang focus ng picture. Yung ibang details sa likod, di naman masyadong epal diba? :)


How about FRAME? Dyan pumapasok ang  Rule of Thirds. Isipin mo may grid ang camera mo na 3x3, hindi mo dapat ginigitna ang subject mo, awkward ang labas teh. (May masabi lang.) Sa framing, you must consider kung ilang inches ang spacing mula sa subject. Kailangan may space. Hindi mo naman pwedeng isakto yung frame sa cap ni Kuya at the top, ganun din sa paa sa bottom, at pati sa sides. (May masabi lang ulet.)



















Siya si Kuyang karpintero, tama ba? Ahahaha. Hindi sadya yan. By the time na kinuhanan ko siya, saktong paglingon niya. Perfect! :)


Sumunod naman ang ANGLE. Honestly, parang wala akong nakuhang pwedeng i-classify as angle. Kaya I just browsed my old files at eto ang pumasa sa verdict ni Kuya Judel Arugay. Ahaha.



















Na-showcase ko naman ang kagandahan ng bulaklak na ito mula sa baba paitaas na anggulo diba? :)


The last one is TIME. Chase the action! Capture the movement perfectly!



















This train is from Recto station to Legarda station passing through the curve path sa crossing ng Mendiola. Hulaan niyo na lang talaga kung nasaan ako niyan, same as where I was when I shot the Entire. :))



AT AYAN ANG AKING EDFAT, FAILED EDFAT? KAILANGAN KASI ISANG SUBJECT LANG EH! AHAHAHAHA! It's okay, napakasayang experience at new learnings talaga.


The kind of camera doesn't matter. Nasa pagkuha 'yan ng kumukuha. :))


[Special thanks to Mr. Jomar (forgot the surname), production manager of ABS-CBN Mobile News team. Inakyat ko ang tuktok ng van ng ABS para lang makuha ang shots ng entire at time. Haha. Nawindang ako, afraid of heights eh.]



There will be times when you will be in the field without a camera.  And, you will see the most glorious sunset or the most beautiful scene that you have ever witnessed.  Don't be bitter because you can't record it.  Sit down, drink it in, and enjoy it for what it is!  ~DeGriff

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.