Malalim na naman ang gabi. Sa saliw ng mga tugtugin sa radyo ngayon, lalo akong dinuduyan pabalik sa panahong...
NARIYAN KA PA.Nung panahong una tayong nagkakilala, hindi ko na maalala kung sino ang unang nakipag-usap sa ating dalawa. Simpleng bati at ngiti lang ang binigay natin noon sa isa't-isa. Para sa akin, noon, ikaw ay pangkaraniwan lamang. Walang dating at katulad lang ng marami.
Nakalimutan ko na rin kung paano tayo naging malapit sa isa't-isa.
Siguro, dahil na rin sa mga kaibigan natin.
Pero ang hindi ko malilimutan, ay ang kakaiba sa pagiging malapit natin.
Masasabi kong ito ay espesyal.
Kung ano man ang mayroon sa atin noon, ay WALANG MAY NAKAKAALAM NA ESPESYAL.
Hindi ko alam kung sino o ano ka para sa'kin. Hindi ko rin alam kung matatawag ba kitang kaibigan. Dahil sa kabila ng pagiging malapit natin, ay para ka pa ring isang estranghero, patuloy na nagmamatyag sa akin. Hindi man malinaw sa akin kung bakit mo ito ginawa, alam ko na may magandang dahilan. Hindi mo lang sinabi.
Masasabi kong ito ay espesyal.
Kung ano man ang mayroon sa atin noon, ay WALANG MAY NAKAKAALAM NA ESPESYAL.
Hindi ko alam kung sino o ano ka para sa'kin. Hindi ko rin alam kung matatawag ba kitang kaibigan. Dahil sa kabila ng pagiging malapit natin, ay para ka pa ring isang estranghero, patuloy na nagmamatyag sa akin. Hindi man malinaw sa akin kung bakit mo ito ginawa, alam ko na may magandang dahilan. Hindi mo lang sinabi.
Nung mga panahong 'yon, hindi ka na katulad ng marami. Iba ka. Ibang-iba.
Hindi ko lang sinabi.
Nariyan ka,
nag-aalala, nagpapasaya, nagpapahalaga. Hinintay kong sabihin mo ang dahilan. Hindi mo naman sinabi.
Dahil sa mga ginawa mo, hindi ka nabigong iparamdam sa akin na.. MAHALAGA AKO...
SA'YO.
Tama bang naramdaman ko 'yun?
Sana naging malinaw sa'kin ang lahat.
Sana naging malinaw ang dahilan ng pagdating mo, maging ng pag-alis mo.. biglaang pag-alis mo. Kase, hindi ko inasahan 'to. Nakampante kasi akong hindi ka aalis, umasang lagi ka lang nandyan. Kung ano man ang dahilan, hindi ko na inalam mula sa'yo. Maaari ngang.. nagsawa ka, napagod.
Iba ka, pero pinakita ko sa'yong katulad ka lang nila.
Masaya ako, ngunit hindi ko man lang nasabi ito sa'yo.
Mahalaga ka, sana naiparamdam ko.
Nanatili akong tikom ang bibig; pigil sa mga salitang makakapagsabi ng tunay kong nararamdaman, dahil natakot ako. Natakot masaktan gaya ng iba. Naging duwag. Mahina.
Kaya ngayon, pinapaniwala ko ang sarili kong ayos lang naman ang lahat. Ako ang nagkamali. Ako ang hindi nagbigay.
Mayroon naman kasing tamang daan na binigay ang Diyos ngunit tayo ay lumihis at sinunod ang mga gusto natin. Sumusunod lang naman ang buhay sa mga kilos natin eh. Bawat galaw at salita natin ay may kaakibat na resulta. Pangit man o maganda, depende sa kung ano ang ibinigay natin.
Kung ginawa ko kaya ang nararapat, nandyan ka pa?
Kung alam mo lang siguro, maaaring mas masaya pa tayo.
Pero hindi dito nagtatapos ang lahat. Pwedeng magkita ulit tayo o may makilala tayong para sa atin. Kung ano man doon, sana matutunan na nating panindigan at ipaglaban. (haha.)
"A million times or more I thought about you
The years, the tears, the laughter, things we used to do
Are memories that warm me like a sunny day
You touched my life in such a special way
Old friend
It’s so nice to feel you hold me again
No, it doesn’t matter where you have been
My heart welcomes you back home again.."
It’s so nice to feel you hold me again
No, it doesn’t matter where you have been
My heart welcomes you back home again.."
0 komento:
Post a Comment