Sunday, February 17, 2013

Hanggang Kailan?



♫♪ Two years or later, are you still on my mind? ♪♪




 May mga bagay na hindi mawala sa isip mo.
May mga taong hindi mo kayang isuko,
dahil sobrang mahal mo.

May mga pangyayaring hindi mo basta basta makakalimutan.
May mga sitwasyong iyo ngayong pinagsisisihan.

May mga paniniwalang hindi mo kayang itapon.
May mga aral na  gusto mong kasama sa habang panahon.

Ano ba ang mga pinanghahawakan mo ngayon?
Ano ang mga pinapaniwalaan mo?
Ano ang ipinaglalaban mo?
Ano ang mga bagay na ayaw mong mawala sa'yo?

Ano't anuman,
Handa ka bang protektahan ito?
Handa ka bang makipaglaban anuman ang pagdaanan mo?

Ang buhay nga siguro ay parang isang soap opera.
Mapunta man saan, palaging may kontrabida.
Pero nasa kamay pa rin ng Diyos nakasalalay ang  magandang istorya.
Ang tanong, susunod ka ba sa gusto Niya?

Maaaring ang nasa isip mo ay ang pag-aaral ng mabuti,
maganda 'yan, pero hanggang kailan?
Maaaring ang nasa isip mo ay ang maging mabuting anak o kapamilya,
maganda 'yan, pero hanggang kailan?
Maaaring ang puso mo ay magsilbi sa kapwa mo,
maganda 'yan, hanggang kailan?
Maaaring ang puso mo ay maisakatuparan ang mga pangarap mo,
maganda 'yan, hanggang kailan?
 Maaaring ang puso mo ay maging kapaki-pakinabang ang buhay mo,
hanggang kailan?

Sa bawat gagawin mo, maraming susubok na magpasuko sa'yo.
Kaya siguraduhin mong matibay ang iyong pundasyon,
dahil maaaring sa isang iglap...


#

0 komento:

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.