"Naaalala mo pa ba noong una mo akong makilala? Alam ko, ayaw mo naman talaga sa'kin nung una, eh. Tama ba? Napilit ka lang ata eh?
Pero, nagbago ka simula nang nalaman mo at naramdaman mo kung GAANO KITA KAMAHAL. Na sa lahat, ibang iba ako. Alam mo 'yan. At take note, todo iyak ka pa! Aminin! Overwhelmed ka kasi sa pagmamahal ko, hehehe, tama ba? At ang hindi ko makakalimutan, ay nang sinabi mong mahal mo rin ako.
Simula noon, naging iba na ang takbo ng mundo para sa'yo. Lahat nagkaroon ng kulay. Lahat nagkaroon ng saysay. Palaging ako pa nga ang nasa isip mo, diba? Lahat ng ginagawa mo ay para sa akin. At naku, punong puno ng mga ngiti ang araw mo, kahit tambakan ka man ng maraming problema, dahil nalaman mong KASAMA MO AKO.
Naaalala mo pa ba?? Parang hindi na ata. Mukhang marami ka na kasing pinagkakaabalahan. Nawawalan ka na kasi ng time sa'kin.
Pero, masayang masaya ako sa kahit ilang minuto o segundong pagpikit ng mata mo habang binabanggit mo ang pangalan ko. At doon ay mariing nakikinig ako. Marami kang sinasabi tapos sa dulo, sasabihin mong "Mahal na mahal kita." Kitam, mahal mo naman kasi talaga ako, eh!
Pinagsabi mo pa nga sa mga kaibigan mo at kapamilya mo kung paano tayo nagkakilala at kung anong klaseng pagmamahal ang meron ako. Kaya naman, ginusto din nilang makilala ako. Kaso... hindi natuloy.
Maraming naging hadlang.
Nagpadala ka sa mga taong nagsasabing, hindi ako totoo at katulad lang din ako ng madami! Sinabi nilang nababaliw ka na at nagpapaniwala ka sa akin! Tapos, sinabayan pa ng mga problema at pressure! Ayun, nanghina ka.
Namiss mo ang mga bagay na dati mong ginagawa na alam mong hindi makakabuti sa'yo kasi lahat ng kaibigan mo ginagawa pa rin nila ang mga bagay na 'yon.
Feeling mo, out of place ka na, kahit hindi naman.
Feeling mo, wala ka ng time sa ibang bagay.
Nasaktan ka, kasi sila pang mga taong mahal mo, ang hindi tanggap kung ano mang relasyon ang meron tayo. Dahil doon, pinili mong sumuko.
Nasaktan ako dahil nakalimutan mo ang lahat.
Nakalimutan mong may bago ka ng buhay, isang buhay na ninanais ng bawat tao.
Nakalimutan mong lahat ng pangako ko ay hindi mapapako.
Nakalimutan mong lahat ng ginagawa ko ay para sa kabutihan mo.
Nakalimutan mo maging ang mga pangako mo.
Nakalimutan mong ako ang PANGINOON mo.
Sabi ko nga sa'yo diba, marami akong magagandang plano at pangako para sa'yo. At anuman ang mangyari, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo.
Hihintayin kita... mahal na mahal kita, ANAK.
Sana ako pa rin ang first love mo."
Love never dies.
1 komento:
Ateeeee.. nakakaiyak padin talaga to kapag binabasa ko T^T
Post a Comment