BAKIT? Palabas lang ba? Hindi totoo? Hindi nangyayari sa totoong buhay? Kung sa totoong buhay kaya, papalakpakan mo pa kaya?
JUST FOR FUN o baka JUST FOR MONEY? Pera pera na lang ba talaga? 'Eto na ba talaga ang pinakapotential ng industriya ng entertainment sa bansa natin na kaya nating ipagsangkalan ang halaga at dignidad hindi lang ng bawat babae kundi ng bawat tao kapalit ng ganitong klase na palabas? Naniniwala akong hindi.
Sana bago natin gustuhin ang isang bagay, isipin muna natin kung kagusto-gusto ba talaga.
Sana bago tayo pumalakpak at humiyaw, alamin muna natin kung meron o wala ba tayong natatapakan at kinakalimutang prinsipyo.
At sana, ang bawat isa sa atin ay panghawakan ang pagkatao na disenyo sa atin ng Diyos.
Ikaw, kilala mo pa ba ang sarili mo?
Unang una, hindi ka bagay o hayop, tao ka.
Ikaw, walang katumbas na salapi ang halaga mo. Hindi ka bayaran.
Ikaw, walang katumbas na salapi ang halaga mo. Hindi ka bayaran.
Iniingatan ka. Hindi ka ipinapahamak.
Tinutulungan ka. Hindi ka pinahihirapan.
Iginagalang ka. Hindi ka binabastos.
Pinoprotektahan ka. Hindi ka pinaglalaruan.
Minamahal ka. Hindi ka sinasaktan.
'YAN ANG NAKED TRUTH.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Proverbs 31:30
Charm is deceitful, and beauty is vain, but a woman who fears the Lord is to be praised.
Proverbs 31:26
She opens her mouth with wisdom, and the teaching of kindness is on her tongue.
Titus 2:3-5
Older women likewise are to be reverent in behavior, not slanderers or slaves to much wine. They are to teach what is good, and so train the young women to love their husbands and children, to be self-controlled, pure, working at home, kind, and submissive to their own husbands, that the word of God may not be reviled.
Proverbs 31:10
An excellent wife who can find? She is far more precious than jewels.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
0 komento:
Post a Comment