Tuesday, November 25, 2014

Pangarap

Pangarap

Nagsimula ang lahat sa isang pangarap
Pangarap na ang mukha'y binalutan ng hirap
Ang hirap ay pagsubok na ang tanging sarap
Ay ang tagumpay na dulot ng yaring pagsisikap

Ang pangarap ang siyang gumising sa bawat nahihimbing
'Di natinag, sa kabila ng buhay na mailap ang isang kusing
Ang pangarap na dati'y isa lamang na hiling
Ngayo'y kasing liwanag na ng bituing nagniningning.

Hindi pa tapos ang dilim, ngunit ito na'y paparating.


Ika-25 ng Nobyembre, 2014: Sa pagmumuni-muni ko sa masikip na tren nabuo ang tulang ito.

0 komento:

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.