Sa ating kolehiyo,
ay matunog ang iyong pangalan;
Mga babae'y nagkakandarapa,
ikaw ay hinahangaan,
Sa una'y nagtataka,
ano ba ang meron ka?
Na sa tuwing darating ka,
para bang may sikat na artista.
Dumating ang araw na ika'y nakilala,
Hindi ko inakalang kakaiba ang madarama.
Nangungusap mong mga mata,
At ngiti na kay ganda,
Nabuhay ang dugo ko,
Tingin ay di na naialis pa.
At lalo akong natunaw,
nang ika'y magsalita.
Malamig mong boses,
ngayo'y namalas na.
Hindi ka nagdal'wang isip
na ibahagi ang iyong sarili.
Nanliit tuloy ako,
wala ng nasabi.
Mula noon,
ay nag-iwan ka sa aking isipan
Nananaginip nang gising,
naiisip ka kahit saan;
Nangangarap na balang araw,
tayo'y maging magkaibigan.
Itong lihim na pagtingin,
dapat mo pa bang malaman?
Itong lihim na pagtingin,
dapat mo pa bang malaman?
Ikaw ay pinapangarap,
Sa tuwina'y hinahanap hanap.
At kapag ikaw na'y nasa harap,
Puso ko'y di mapigil sa pag-alab.
Ikaw nga ay isang bituin,
Na 'di ko na kayang abutin.
Isang pangarap, Isang hiling;
Kailan ba diringgin?
Umaasa ang damdamin,
Mga puso nati'y pagtagpuin.
♥ ♥ ♥
FEB042011
♥ ♥ ♥
FEB042011
6 komento:
uyyy, inlababo si Jane!
Nyahaha. Sort of.. (sort of!?) Haha!
lumalablayf oh, sino yan? reveal!
Starts with letter.. ahahahaha!
hahaha :) inlab :))
i-reveal na yan. sa'ting tatlo lang naman eh.
Post a Comment